Res ipsa loquitur.
Thursday, February 12, 2009
Anino ng Kahapon
--ELISEA "SEANG" LIWAYWAY
O pag-ibig! Ang palagingtamis mo'y siya ring madalas mong katampalasan. ... Nagdadalawng kulay ka: matapatin at lilo; ayaw kang maging isang kulay na lamang na dalisay at taimtim.
--ELISEA
Sa buhay na ito ay walang di nagtitiis; pero... hindi sapagkat natitiis, ang lahat naman ng sapitin ng tao ay pagtitiisan na lamang at hindi ihanap ng lunas.
--MODESTO "INTONG" MAGSIKAP
Hindi lahat ng ibinubunga ng pag-ibig ay mabuti.
--ABDUL
Kinakailangan namang sikapin ng sinumang mabuting tao na mapahaba, hangga't mangyayari, ang kanyang buhay, sapagkat kung dahil sa kapabayaan niya'y mapugto ay kahin-hinayang na totoo ang mahalagang buhay na dapat pa niyang magawa sa huli, at sa ganito'y siya rin ang masisisi ng panahon.
--MODESTO
Ang lalong dapat katakutan ng isang tao ay ang parusang ikinakapit sa mga walang kasalanan.
--MODESTO
Ang di pagtanda agad ay talagang ugali na ng isang taong walang sukal sa loob, walang pinapanginoon, at malayang makagawa ng bawat ibigin.
--ABDUL
Huwag kang manghawak sa sumpa: ang sumpa ay sa bibig lamang.
--MODESTO
Ang panunumpa hangga't di tinutupad ay hindi sukat paniwalaan. Wala man sa loob at di tinatanggap ng budhi ay nasasabi't napapaooohan ng bibig.
--MODESTO
Ang pagpapahinga... ay nauukol lamang sa mga taong may mabigat na gagawing naidaos na at siyang ikinahapo.
--MODESTO
0 Comments:
Post a Comment
<< Home